Saturday, September 02, 2006

Mga Tula...

Ito yung iba pang tula:

Kahit na malayo pa ang ating pagitan
Di ko kayo iwawaksi o man lang kalimutan—
Ang pagamamahal ko sa inyo ay walang hangganan,
Dito sa puso ko kayo ay hahagkan.

Di ko alam kung ano ang ipapamagat ko sa tulang yan, gaya ng di mailarawang pagmamahal ko sa kanila.


Ang tulang ito naman ay wala lang, ginawa ko lamang basta:

Pangako

Sabi mo iyong gagawin
Bukas pala ika'y sisisihin
Dahil pangako mo'y di tinupad
Tawag ko sa iyo ngayo'y isang huwad.

Nakaiinis man di natin maaalis
Tapos na ang lahat, ngayon ako'y nakabungisngis
Napag-isip-isip ko, ginawa na lang sana assignment na panis
Tuloy ako ngayon sa klase ay pinaalis.


Sana marami ang mai-inspire sa mga tulang ito[kahit korni]!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home