Wednesday, August 23, 2006

Kwentuhan Muna

Nabanggit ko sa una kong blog entry na may pamagat na Panimula ay magkukwento ako tungkol sa aking pagiging isang "asawa" at "ama." At ngayon na nga iyon.

Ako ay isang asawa, at pati na rin isang ama. Ang asawa ko ay si Sukh...Sukhbir, siya ay matalino na nga maganda pa. Nagustuhan ko siya dahil 'di tulad ng ibang babae kahit siya ay sobra?!? sa ganda hindi siya ganun kalandi. Nagmahalan kami...joke...nagbunga ito ng isang lalaking sanggol, si Jan Lemuel. Ang batang ito ay magaling sa Math (1.5 grade niyan sa Math 1), nagmana ata sa akin. First year na siya ngayon sa Pisay, siguro kaya 2.something ang GWA niya ay talagang nagmana sa akin (ganun din GWA ko nung first year) DL kasi ang mommy niya. Ang tawag pala niya sa akin ay Father!!!! kaya yun ang pen name ko dito.

Ewan ko ba, sabi ng karamihan mahirap maging isang magulang. Mali sila dahil wala naman talagang mahirap kung magsusumikap. Kaya Get Up and Go na!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home