Friday, September 22, 2006

Haha..



Es sa SJA





















Kinunan itong mga 'to nu'ng recollection sa Saint Jerome's Academy!

Ganda...

Si Sukh...

Amethyst














Class Picture nu'ng first year...







Saturday, September 16, 2006

Aral mula kay Deg

Minsan may dalawang palaka. Si Palaka Masama at si Palaka Mabuti. Unahan silang umakyat sa tuktok ng bundok. Sabi ni Palaka Masama kay Palaka Mabuti ng may pagyayabang, "H'wag ka ng umasa, hindi ka makakarating sa itaas." Nanalo si Palaka Mabuti! Bakit kaya???

Bingi pala si Palaka Mabuti at hindi narinig ang mga sinabi ni Palaka Masama kaya nagpatuloy siya sa paglalakbay at siya nga ay nagtagumpay.

Larawan


Si Joan Raña at ako



Ako at si andrea Cuevas(Bubbles)



Anak ko, si Lemuel



Si Lemuel, anak ko



Friday, September 15, 2006

Teacher's Day at Boys and Girls' Day

Teacher's Day at Boys and Girls' Day...Haaay, tapos na. Di gaanong matrabaho kasi isang section lang ang tinuruan ko in two days. Pero marami naman akong natutunan, una, dapat nating pahalagahan ang inihandang lessons ng ating mga guro. Pangalawa, dapat h'wag gumawa ng personal na gawain sa office mo. Pangatlo, h'wag na muling magbibigay ng madadaling questions baka kasi 'di masagutan.

Kanina kasi magbibigay sana ng mensahe para sa gurong iyong pinalitan. Kaso wala si Sir Jess, siguro masakit ang ngipin kaya hindi na nakapunta...Sa Lunes na lang daw kami nina Glenn, Rowhe, at Deg kami magbibigay ng mensahe, kasi absent din si Ma'am Ricci at Ma'am Chat(Chorva).

Kaninang umaga rin eh nagdala ako ng camera. Kumuha kuha ako ng pictures, syempre!!!

Sa susunod ko na lang i-popost yung mga pictures....

Thursday, September 14, 2006

Litrato noong Second Year sa Pisay...

Pics na naman...:


Ako 'to!!!

Si Lovely...dun ako sa likod(kanan) nakayuko!!!

Starring...LOVELY ANN BUTING

Trip lang namin na gumanyan..haha

II-Champaca with Sir RC Daligdig.


(Mula sa kaliwa) Sir RC, Lyandrea Grace Capuyan, Andrea Cuevas, Alyssa Rodolfo, Maja Sierhine Abarra, Niña Patricia Busuego, Sukhbir Kaur Bhogal, Jezel Queen Taguinod, Larielyn Hope Aggabao, Jenn Acay, and Lovely Ann Buting....

Saturday, September 09, 2006

Mga Larawan...ulit

Ito pa yung iba kong mga pictures:

















Pogi ko 'no!

Mga Larawan...

Alam kong nasasabik...naglalaway na kayo sa kahihintay makita kung sino talaga ako. Sige na nga eto mga pictures ko:












Saturday, September 02, 2006

Mga Tula...

Ito yung iba pang tula:

Kahit na malayo pa ang ating pagitan
Di ko kayo iwawaksi o man lang kalimutan—
Ang pagamamahal ko sa inyo ay walang hangganan,
Dito sa puso ko kayo ay hahagkan.

Di ko alam kung ano ang ipapamagat ko sa tulang yan, gaya ng di mailarawang pagmamahal ko sa kanila.


Ang tulang ito naman ay wala lang, ginawa ko lamang basta:

Pangako

Sabi mo iyong gagawin
Bukas pala ika'y sisisihin
Dahil pangako mo'y di tinupad
Tawag ko sa iyo ngayo'y isang huwad.

Nakaiinis man di natin maaalis
Tapos na ang lahat, ngayon ako'y nakabungisngis
Napag-isip-isip ko, ginawa na lang sana assignment na panis
Tuloy ako ngayon sa klase ay pinaalis.


Sana marami ang mai-inspire sa mga tulang ito[kahit korni]!!!

Friday, September 01, 2006

Mga Tula Para sa Aking Mga Mahal

Masayang gumawa ng tula kapag may inspirasyon ka. Karamihan yata ng mga tula ko eh tungkol sa kanila. Eto yung isa:

Aking Pamilya

Ang isang larawa'y pwedeng mawala
Pwedeng mapunit, pwedeng masira
Ang aking pamilya sa akin ay mahalaga
Sa puso't isipan ko'y hindi mabubura.


Salamat!!! Dahil yan kay Sukh at Lemuel....inspirations eh!!!! Sa susunod na lang yung iba pang tula!!!! Paalam!!!